Naniniwala umano si Magdalo PL Rep. Gary Alejano na sinanay muna ng Malacañang ang mga opisyal ng Philippine Navy bago humarap sa imbestigasyon ng Senado tungkol sa Frigate Acquisition Program.
Ayon sa ulat ng RMN, makailang beses umanong nakatanggap ng impormasyon si Alejano na ipinatawag ng Malacañang ang mga Navy officials upang turuan kung ano ang sasabihin sa harap ng mga Senador.
Ayon kay Alejano, sana’y bigyang-laya ang mga opisyal ng Navy na magsalita sa lahat ng kanilang nalalaman kaugnay sa isyu.
Huwag na ring hintaying sa publiko pa maglabas ng sama ng loob ang mga Navy officials, babala ng mambabatas.
Giit pa ni Alejano, ibang klase magprotesta ang mga miyembro ng navy ngunit kanyang nililinaw na hindi niya ito inirerekomenda.
Samantala, mariing iginiit ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go na biktima lamang siya ng “fake news” kaugnay sa diumano’y pag-intervene nito sa kontrobersyal na frigate deal.
Sa pagdalo ni Go sa pagdinig sa Senado, sinabi nitong na hindi siya nakialam sa kontrata na natapos na ang bidding noon pa mang bago natapos ang termino ng nakalipas na administrasyon.
Nais namang ipatawag ni Go sa Senado ang Rappler at Inquirer na naglabas ng naturang balitang nag-intervene siya sa kontratang nagkakahalaga ng P15.5 billion.
SOURCE: RMN, Bombo Radyo
Post a Comment