Isang doktor sa Quezon ang namatay matapos itong turukan ng tatlong beses ng Dengvaxia.
Ayon sa ulat, ni-require daw sila ng Department of Health (DOH) na magpaturok ng bakunang ito. Ang doktor ay nakilalang si Dr. Kendrick Gotoc, isang medical worker sa Rural Health Unit sa lungsod ng Quezon.
PANOORIN:
Humihingi naman ng hustisya ang kapatid ng biktima.
“Kailangan mananagot yung mga taong dapat na managot sa ganitong klaseng sistema na ginawa nila,” sabi ng kanyang kapatid.
Ayon naman sa ina ng biktima, napansin niya raw ang kakaibang nangyayari sa katawan ng kanyang anak.
“Napansin ko sa kanya, sa katawan niya, may puti-puti na, atsaka may pantal-pantal na parang kagat ng langgam, saka payat na payat siya,” sabi ng ina ni Kendrick.
Post a Comment