Isang babae na galing pa sa Tuburan, Cebu ang umutang pa ng pera sa kapit-bahay para pamasahe ng eroplano at maka-personal na magreklamo kay idol Raffy Tulfo. Inireklamo niya ang dati niyang amo na pinapatrabaho sila ng 12-oras at P125 lang ang kaniyang sweldo sa loob ng isang araw. Nang makarating siya sa Maynila agad siyang dumiritso sa Action Center ng TV5 ngunit sarado na ito kaya nakikiusap nalang siya sa security guard na doon nalang matulog sa bakanteng lugar sa loob ng isang building.
Siya si Archelle Malajos ng Tuburan Cebu City. Lumuwas siya pa-Maynila sakay ng barko gamit ang one-way ticket na inutang niya sa kapit-bahay, para tumayong representante sa naghihikahos niyang dating mga kasamahan sa Bella’s Catering, na isang canteen sa loob ng Metro Mall.
Hindi raw sila nakakatanggap ng benepisyo at ₱125 lang ang kanilang sinasahod kada-araw sa dose oras na pagkayod na parang kalabaw. Gustuhin man daw nilang pagkasyahin ang katiting na sweldo nilang ito pero hindi raw talaga sapat para mabuhay ang kanilang pamilya. Kaya sinubukan daw nilang magreklamo sa DOLE-Cebu pero nang malaman ito ng kanilang amo, pinagsisibak sila sa trabaho at pinalayas pa sa boarding house.Pagdating niya ng Maynila, Sabado, April 21, agad siyang dumiretso ng TV5 ngunit dinatnan niyang sarado na ang action center. Nagpaalam siya sa guard na matulog sa bakanteng pwesto sa loob ng building at pinayagan naman siya.Lunes, April 23, matapos siyang makausap ng mga staff ng action center at maproseso ang kanyang reklamo, nabatid niyang kapos na siya sa pera at wala ng pamasahe pauwi.
Kaya Lunes hanggang Miyerkules sa bakanteng pwesto siya ng TV5 natutulog sa paghahangad na matiyempuhan niya si Idol Raffy tuwing labasan para ilapit naman ang kanyang malaking problema.Huwebes ng hapon, natiyempuhan niya rin ang kanyang Idol na palabas ng TV5. Nang malaman ni Idol Raffy ang kanyang kalunos-lunos na kalagayan, agad siyang ichineck-in sa isang hotel at binilhan ng mga bagong damit, underwear, toiletries at pinakain sa restaurant.Kinabukasan, Biyernes, nagkaharap muli sila ni Idol Raffy at kumain ng lunch sa Anchor’s Lounge at nagka-kwentuhan. Binilhan siya ni Idol Raffy ng ticket ng eroplano pabalik ng Cebu at binigyan pa ng ₱10,000 para maiuwi niya sa kanyang pamilya.
Post a Comment