0




Arestado sa isinagawang anti-drug operation ng Quezon City Police District Station 1 ang dating miyembro ng all-female group na Baywalk Bodies na si Kat de Santos. Sa ulat na inilabas ng GMA News, nahuli umano si De Santos matapos itong bumili ng ilegal na droga sa kahabaan ng Tagaytay Street sa Barangay San Jose, dakong alas 3:00 ng madaling araw nitong Sabado.

Isang pakete ng hinihinalang shabu ang nakuha ng mga awtoridad mula kay De Santos, na tinangka pa umanong tumakas ngunit kaagad namang naaresto ng mga pulis.






Matatandaang nakilala si De Santos noon sa paggawa ng mga pelikulang may "sexy-romantic" na tema.

Sa presinto na humantong si De Santos na walang tigil sa pag-iyak habang nagpapaliwanag.



Watch The Video Below:







Post a Comment

 
Top