0




Mapapanood sa kopya ng CCTV ang walang kaabug-abog na "pananampal" umano ng isang lalaki sa isang pulis sa Kalibo Aklan. Ang suspek ay nakilalang si Elnor Villorente, na napag-alamang lasing nang mangyari ang insidente. 

Ayon sa pulisya, sinita umano nila ang suspek dahil sa paggamit nito ng ilegal na muffler na nakakabit sa kanyang motorsiklo, subalit dahil nga nakainom ito ng alak ay nakipagsagutan pa ito sa mga awtoridad, kaya't dinala siya ng mga ito sa presinto.




Pagdating sa presinto ay doon na raw biglang sinampal ng suspek ang deputy police chief. Kasalukuyan pa umanong pinag-aaralan ng pulisya kung magsasampa sila ng reklamo laban sa naturang suspek.



Watch The Video Below:







Post a Comment

 
Top