Sinampahan ng patong-patong na reklamo ang tatlong abogado na inaresto ng pulisya nitong Huwebes matapos umanong "harangan" ang kanilang paghalughog sa ni-raid na bar sa Makati.
Kinilala ang tatlong abogado bilang sina Lenie Rocel Rocha, Jan Vincent Soliven, at Romulo Bernard Alarcon.
Mga kasong obstruction of justice, pagpasok sa police line, resistance and disobedience upon agents of authorities, at constructive possession of illegal drugs ang isinampa laban sa tatlo.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director Chief Superintendent Guillermo Eleazar, habang ipinatutupad nila ang search warrant sa Time Bar ay pumasok at pinigilan daw umakyat ng tatlong abogado ang mga pulis.
"In fact sinabihan sila (mga pulis) na 'wag umakyat sa third floor. Ayaw sabihin kung sino sila, kung saan sila connected," ani Eleazar.
Ang Time Bar ay sinalakay noong nakaraang Sabado kung saan 18 sachet ng cocaine ang nasamsam sa tatlong palapag na bar, bukod pa sa samu't saring droga na aabot sa P1.7 milyon.
Watch The Video Below:
SOURCE: ABS-CBN
Very good. Jail them arseholes. Lawyers are the most abusive professionals in pursuing the loopholes of the law. These loopholes must and should be reviewed. They are used against promtions of law and orders in the country. Inaabuso ng mga abogado ang kanilang alam kung kaya our country is sinking fast into the gutters of shits. The most abusived of all people in the public. Because majority are well paid off. Hahahahahahah money money money money, that is what most of lawyers faces are made of now. I say again that is what majority of lawyers are made of now. MONEY MONEY MONEY MONEY, ahahahahahahahaahahaha an absolute lucrative business and profession.
ReplyDelete