Hinimok ni dating senador Bongbong Marcos si Pangulong Duterte na huwag nang bitawan ang pagiging pagkapangulo nito kahit na nagpauna na ang pangulo na siya ang isa sa maaaring humalili sa pwesto kung sakaling bitawan nga nito ang pagkapangulo.
“I urge him not to leave the Presidency as our people still need him for the betterment of our lives and country,” sabi ni Marcos.
“I thank the President for his faith in my abilities.” dagdag pa niya.
Hindi rin itinanggi ni BBM ang kahalagahan ng Pangulo sa ating bansa dahil aniya, kailangan pa ng taong bayan at ng bansa ang isang Duterte sa ikabubuti nito.
Photo source: Google
Hindi naman nakaligtas ang Bise Presidente na si Leni Robredo kay Marcos sa paghamon nito kaugnay ng pagkapanalo ni Leni sa nakaraang eleksyon bilang bise presidente ng bansa.
Noong Huwebes, ipinahayag ni Presidential Spokeperson Harry Roque na handang ilipat ni Duterte ang kanyang pagkapangulo kay Marcos kung magtatagumpay sila ni dating senador Francis Escudero na patalsikin sa pwesto si Leni Robredo.
Bumuwelta naman si Robredo kaugnay ng pahayag ni Pangulong Duterte, sabi nito na hindi niya pinapatulan ang ganung klaseng pahayag dahil hindi naman ito makatutulong.
“Ayaw kong patulan ang yung mga ganyang statement kasi hindi naman yan nakakatulong,” sabi niya.
“Andaming problema ng bansa, asikasuhin nlng mga problema ng bansa kaysa pulitika.” Dagdag pa nito.
Reaksyon ng Netizens
Basahin dito ang ibat-ibang komento at pagsuporta ng mga kababayan natin tungkol sa pahayag ni BBM:
Post a Comment