0



Ang School Admin na nag Viral sa social media pagkatapos sunugin ang gamit ng kanyang mga estudyante na may kasama pang mamahaling gadgets ay nais ipagbayad ng Department of Education sa rehiyon ng Bikol.


School administrator Alexander James Jaucian




Ito ang pahayag ni DepEd Bicol region director Gilbert Sadsad,

Definitely one of the recom[mendation] that we are proposing is for him to attend to the damages. Kailangan bayaran ang damages,


Bukod pa sa parusang gusto ipapataw sa kanya, sinimulan din ngayong araw ang imbestigasyon sa insidente sa nasabing pribadong paaralan.

Ayon sa balita, ang school administrator ay bumiyahe patungong Maynila para opisyal na ipaliwanag ang kanyang bersyon ng kwento sa board ng nasabing eskuwelahan.




Ang masama pa nito ay nagkaroon pa ng trauma ang ibang estudyante sa ginawa ng admintrator kaya hindi sila pumapasok, buti na lang at ipasailalim na sila sa Stress debriefing.

Ayon kay Sadsad, gagawin nila ang lahat para makausap ang mga bata at mapasiguro na papasok ulit sila sa eskuwelahan.

Bukod rito, ay malaki rin ang posibilidad na mawalan ng permit to operate ang nasabing paaralan at iba pang kinaukulang benepisyo.

Hanggang ngayon, Wala pa ring isinasampang pormal na reklamo laban sa nasabing school administrator.

Matatandaan na ipinasunog ng administrador ang mga gamit ng mga mag-aaral dahil hindi sila sumusunod sa school rules. Giit pa umano ng mga Netizens na pupwede namang i confiscate lang ang naturang mga gamit at bigyan na lang ng parusa na nararapat at hindi aabot sa pagsunog ng gamit.

PANOORIN ANG VIRAL VIDEO

Ang video tungkol dito ay burado na sa kanyang account pero kumalat na ito sa social media at isa sa mga nag re-upload ng video ay ang Rmn Iloilo Facebook page.






 Ito naman ang reaksyon ng mga netizens patungkol dito, Basahin:






[SOURCE] 

Post a Comment

 
Top