0




Sa pamamagitan ng Facebook page na Scout Ranger Books ay nabigyan ng tulong si Sgt. Darwin Aurelio na isang Marawi war hero para makalabas sa piitin dahil sa diumano'y pagpatay sa isang drug lord sa Cavite noong Hulyo. 

Ayon sa chairman ng Scout Ranger Alumni Association na si Colonel Dennis Eclarin, nag request sa mga media outlets na nakatutok dito sa Scout Ranger Books, na kung pwede matulungan si Sgt. Darwin Aurelio. 

Basahin ang naging panawagan at istorya ng kanyang kapatid na huminge ng tulong at dasal sa mga kapwa sundalo ni Sgt. Darwin, ganun din sa lahat ng mamamayang Pilipino. Muli natin balikan ang kwento na nailathala na namin noong nag-viral ito sa social media:




"Siya po si SGT.DARWIN AURELIO. Kami po ay humihinge ng tulong ..

Si Kuya ko po ay kasalukuyan Nakakulong. Ngayon sa bjmp TRECE MARTIREZ CAVITE. Dahil po napatay niya Ang drug lord ng TRECE. Bakit po ganun noong nasa zamboanga si Kuya 

Ang ginagawa po samin ng Tao nayon hinaharas po Kami dito winawasiwas po nila yung baril nila SA tapat ng aming bahay .

Porket ayaw Lang sumali ni Kuya sa guardians nag kaganoon na sya ilang beses Kami lumapit sa police dito pero Ang lagi nila sinasabi saamin wala pa naman daw po nangyayari..
Sa ginagawa po saamin ng Tao nayon ay death treat na po ang kalalabasan pero yung mga police na nilapitan namin Di nila Kami pinakinggan hanggang dumating yung araw na 
Kagagaling Lang ni kuya SA zamboanga at nung Gabi nayon pupuntahan niya Sana yung kumpare niya. Nag kataon nakita Siya nung drug lord na apalayaw ay butchoy at magkatabi kausap ni kuya si Shane na kapatid ng kanyang kaibigan habang nakatalikod si Kuya ay tinutukan Ito ni butchoy SA ulo ng baril nung akmang babarilin na si Kuya ay agad itong yumuko at kanyang nabaril si butchoy pero Hindi Lang si butchoy Ang bumabaril Kay kuya pati Ang tatlong kasama pa nito ..







Noong Gabi nayon ay agad umalis si Kuya 
At simula nuon ay marami na Kami nabalitaan na babawi sila at nito Lang July 9 2017 ay pinatay Ang aming tatay dtu rin po sa Hugo Perez trece MARTIREZ cavite .

Kagagaling Lang din po ng marawi ng aking Kuya bumisita Lang Siya saamin kasi nag hatid sya ng mga wounded at patay dtu SA fort. Nuong Gabi nayon ay pinag babaril Ang aming tatay ngayon po kaming lahat ay pumunta SA hospital pag dating namin dun ay D.O.A na Ang aming tatay nung una dalawa Lang Ang pulis na nag iimbistiga nung nalaman nila na si Kuya Darwin aurelio yung nakapatay sa drug lord dtu ay agad kaming dinumog ng mga pulis na mga nakasibilian at yung iba ay LASING pa hinaras po nila Kami at pilot na hinahatak si Kuya na wala naman pinapakitang warrant ..Hanggang sa nakarating po Kami SA prisinto ay hinaharas parin po nila Kami yung nanay po namin nag karoon ng galos SA boo hanggang tenga at namaga po ang kanyang kamay at nag karoon ng bukol ng makarating Kami SA prisinto may nakasunod saamin na mga naka motor apat na motor at may mga angkas at nakabonet sila tapos pilit po nila Kami pinapauwi para iwan si Kuya Darwin aurelio pero nag matigas ako at talagang yakap ko Ang aking kapatid Di ko po sya binitiwan SA tuwing pupuntahan namin si Kuya may humaharang saamin at may mga naka motor na nakabonet Ang sumusunod saamin.. bakit po ganun mas pinapakitang nila Ang mga adik dito at halos lahat sa kanila galit Kay Kuya kasi napatay niya si ALBERT " butchoy" PEGA ..
Hindi po masamang Tao Ang kuya ko at kaya ko pong patunayan yan masama na po bang ipag tanggol Ang kanyang sarili Kung Kuya ko po ang nabaril sa ulo at namatay mag didiwang sila.. bkit po ganun Ang pinatay nila Ang tatay ko Di sila marunong lumaban ng patas maraming makakapag sabi na Hindi Kami masasamang Tao sila Papa at ang aking dalawang Kuya sila po ang nakakahuli ng mga akyat bahay dito pero bkit po ganun masama na po bang TUMULONG sa kapwa..



Noong namatay yung butchoy nayon Ang dami pong nag pasalamat dahil po ilan na Tao na po ang binaril niya dto may buntis pa syang tinutukan ng baril at marami natatakot sakanya lalo na pag LASING sya kasi nag papaputok sya ng baril.... Pangulong DUTERTE tulungan niyo po kami Ang Kuya ko nalang po ang pangalawang tatay namin Kung mawawala pa po sya ay Di na po namin kakayanin 
Tulungan niyo po ang aking kapatid na si
SGT.DARWIN AURELIO 
Kapag nawala pa sya kawawa po ang mga pamangkin ko ... Parang awa niyo na po 
Humihinge Kami ng tulong
Di makatarungan ginawa nila saamin. 
Pinatay nila Ang tatay namin at ikinulong nila 
Ang Amin kapatid na ngayon tumatayong tatay namin ... Sana po Kami inyong tulungan.." -- ito ang CP ni Mrs Aurelio 09062211002"





Kaya naman matapos ang limang buwan sa piitin, ipinagbigay alam sa Scout Ranger Book Facebook page ang pasasalamat ng asawa ni Sgt. Darwin sa lahat ng tumulong sa kanila, maging sa panalangin upang makalaya ang kaawa-awang Marawi hero na si Sgt. Aurelio.

 Maraming salamat sa mga sumuporta kay Sgt. Darwin Aurelio, ang ating Scout Ranger na galing sa Marawi na nakulong dahil nakapatay ng drug lord sa Cavite. Pagkatapos ng 5 months sa piitan, nakalaya na siya. Ito ang pasalamat ng kanyang asawa: “Ako po ay asawa ni Sgt Darwin aurelio Nagppasalamat po ako sa lahat ng mga rangers, lrr, s mga kabatch Nya mga Opisyal nya.at s abogado Nya. Marming Salamat sa dasal at suporta saking asawa..maraming salamat ulit po s inyo lalo na Kay sir Dennis eclarin... God bless po... Marming salamt din s laht n nagdasal at sumoporta samin, sundalo man o hndi po...mas higit pa sa regalo natanggap namin pamilya... Umiiyak po ako habang nagppaslamt po ako s inyo dhil sa kaligayhan po... Kasi masya n po ulit mga anak ko na naklya na papa nila.... Advance merry Xmas and happy new year po s inyo lahat......God bless po s lahat....”







[SOURCE]



Post a Comment

 
Top