0



Isang lalaki na napag-alamang registered nurse ang napatay ng mga pulis sa loob ng isang kainan sa loob ng mall sa Talisay City, Cebu hapon noong Lunes, ika-15 ng Enero.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, kinilala ang male nurse bilang si Michelle Jeff Gabutan, 33-taong gulang, at residente ng Tabunok, Talisay.

Sa report ng pulisya, pumasok umano si Gabutan sa loob ng nasabing kainan at biglang pinaputukan ang manager nito sa hindi malamang dahilan. Sa kabutihang-palad ay hindi tinamaan ang manager. Sa video na ibinahagi ng isang netizen, makikita ang mga crew ng kainan at mga customer na nagtakbuhan palabas.




Napansin ng mga pulis, na noon ay kumakain sa loob ng mall, ang komosyon at agad na rumesponde. Binaril ni Police Officer 1 Erwin Denila si Gabutan at tinamaan ito sa dibdib. Agad namang isinugod ang sugatang nurse sa Talisay District hospital, kung saan ito binawian ng buhay.




Watch The Video Below:






SOURCE: FILIPINO BALITA, FACEBOOK

Post a Comment

 
Top