0



VIRAL - Tanggal sa trabaho ang inabot ng umano’y isang traffic enforcer, matapos mag-viral ang ilegal na panghuhuli niya sa isang motorista at humihingi pa ng lagay.

Panoorin:




“Ito po ‘yung nangyare, baka may nakaka kilala dito. Galing kami sa Divisoria, kumuha ng paninda ng mga bag. Paninda ‘yun ng pinsan ng misis ko.

Hindi naman siya ganun ka puno and kabigat dahil puro bag naman ang laman. Nung makalabas na kame galing Divisoria mga ilang stoplight na ‘yung nadaanan ko bago ako dumaan sa stoplight sa may tagos ng LRT, I don’t remember kung anung street, dahil di naman ako pamilyar sa manila and si waze lang sinusunod ko. Bago kame lumampas sa kanya pinara niya kame, and bilang respeto at alam ko naman na wala akong ginawa na violation tumigil ako.



Nung pinabuksan niya yung bintana ko, tinanong niya kung ano ang dala ko. Bungad niya sa akin ay overloading daw po ako. Which is nagtaka ako dahil hindi naman punong-puno ang karga ko.

Ininsist niya sa akin na ipapa impound daw ako dahil overloading at 6k daw ang tubos nun. Nataranta na misis ko dahil di naman namin kaya ‘yung ganon kalaking halaga at first time ko lang din nahuli ng ganon kaya wala ako idea. Pinakuha niya OR at CR ko and binigay ko naman. Sabi niya, tampered daw dahil iba ang nakalagay sa gross weight at capacity ng L300 ko. Which is napa-isip ako na private naman vehicle ko.

After that tinakot na niya ako na ipapa-impound, tapos sabi pa niya pag pina-impound niya daw kame is malinis na 3k daw ang commission niya dun. Sabi niya, kung ayaw daw namin maabala kaya nagbigay nalang kami. Nakipagtawaran pa kami dahil malaki hinihingi niya. Kita naman sa video pananakot niya na iimpound kami at that time nakita niya na nagvivideo misis ko. Kaya nagalit siya at pinabura niya. Tapos hinihingian niya kami ng 2k para hindi na kami maabala at nagbigay nalang kami dahil sa takot na baka i-impound kame.” - Via "Sairin Happy Tours"


UPDATE: Tinanggal na umano sa trabaho ang traffic enforcer.

Screenshot Image from: Pinoy Trending Feed 



[SOURCE]

Post a Comment

 
Top