Ang sining ay isang paraan ng pagpapahiwatig ng ating saloobin.
Kaya naman labis na nakabibilib ang sinuman sa pagpapahayag ng damdamin sa pamamagitan ng pagsayaw, pag-awit, pag-arte, pagguhit o anumang uri ng sining.
Isa na rito ang kahanga-hangang lalaki na nakabuo ng isang obra gamit lamang ang pintura, glue at palito ng posporo.
Sa Facebook post ni Jc Apellado sa pamamagitan ng GUHIT Sining, ibinahagi nito ang kanyang natatanging likhang-sining na watawat ng Pilipinas na gawa lamang sa pintura, glue at palito ng posporo.
Ito ay may caption na: “100% bandila gawa sa 19,680 na palito salamat natapos din. Acylic DAVIES PALITO at shoes glue.”
Image capture from GUHIT Sining Facebook account
Labis na hinangaan si Apellado sa obra niyang ito. Talagang ‘petmalu’ dahil sino ba naman ang makaiisip na lumikha ng isang watawat gamit lamang ang pintura at palito ng posporo?
Ang obrang ito’y nagpapatunay lamang na gaano man kahirap gawain ang isang bagay basta’t sinamahan ng puso sa paggawa ay magiging maganda ang kalalabasan.
Post a Comment