0



Ilang grupo ng rice traders mula sa Cagayan Valley Region ang matapang na nagsumbong kay pangulong Duterte na kinikikilan umano sila ng mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) at Department of Public Works and Highways (DPWH) na naka-destino sa isang truck weighing station sa Aritao, Nueva Vizcaya.

Ito ay isiniwalat ng mga rice traders sa kasagsagan ng isang forum ng mga rice industry stakeholders sa Malacañang.






Sa salaysay ng mga negosyang ito, nasa P500 – P1,000 umano ang singil sa kanila bawat truck na daraan dito. Tinatayang nasa 1,000 truck raw ang dumaraan kada araw sa nasabing weighing station na kung susumain ay umaabot sa P500,000 to P1-M daily o P30-M kada buwan ang kanilang nakikikil na pera.



“Ang sipag-sipag po nila Mr. President. Maski holidays at maski noong Holy Week, naka-duty sila at wala kaming ligtas,” sabi ng mga rice traders.

Sa pagbubunyag ng mga rice traders, kanilang sinabi na 10 years na raw itong ginagawa ng mga LTO at DPWH sa kanila, kaya naman sana raw sa panahon ni pangulong Duterte ay maaksyonan na ang kanilang problema.





Napamura naman si pangulong Duterte noong nalaman niya ito ng harap-harapan. Agad niyang pinapapasibak ang mga sangkot sa pangingikil at pinapaharap sa kanya sa Malacañang para pipigain ang kanilang mga pagmumukha.


“Dalhin mo sila sa akin sa Malacañang kay kumoton nako ilang mga nawong,” sabi ni Duterte. (Bring them to me in Malacañang and I will squeeze their faces.)

“Art, pasensya ka na istorbohin muna kita pero kailangan mo i-relieve yong mga LTO mo sa Aritao, Nueva Vizcaya. Pagkatapos dalhin mo sila sa akin sa Malacañang kay kumoton nako ilang mga nawong,” sabi ni Pangulong Duterte para kay Department of Transportation (DOT) Secretary Arthur Tugade.





Ang impormasyon na ito ay nagmula kay Department of Agriculture (DA) Secretary Emmanuel “Manny” Fantin Piñol.





Post a Comment

 
Top