0




Naaresto ng mga otoridad sa Taiwan ang konsehal ng Ozamiz City na si Ricardo "Ardot" Parojinog. Ang pag-aresto ay isinagawa ng Pingtung County Police. Si Ardot ay kapatid ni Ozamiz City Mayor Reynaldo "Aldong" Parojinog. 

Nakapagtago si Ardot ng humugit-kumulang 10 buwan matapos ang raid sa bahay ni Reynaldo kung saan binawian ng buhay ang alkalde.





Matatandaang dinakip ng kapulisan sa nasabing raid si Ozamiz Vice Mayor Nova Princess Parojinog at nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and explosives.  Ayon sa ilang ulat, nauugnay ang mga Parojinog sa Kuratong Baleleng, droga at ilan pang krimen.


Watch The Video Below:









Ayon sa natanggap na impormasyon ng ABS-CBN, itinuro umano ng dating kasamahan ni Ardot ang lokasyon nito nang madakip ng Philippine National Police. Pinaghahandaan na ng otoridad ang pagbabalik ni Ardot sa Pilipinas.





Source: DZMM, ABS CBN. 




Post a Comment

 
Top