NaHuli-Cam: Panggagantso ng isang taxi driver sa kababayan nating OFW.
Makikita sa video na humihingi ng P2,100 na pasahe ang taxi driver kung saan 7 kilometro pa lamang ang natatakbo. Maririnig din na nakiusap ang mga pasahero sa driver na babaan ang kanyang hinihinging pasahe ngunit sadyang mahirap pakiusapan ang taxi driver dahil iginigiit nya na nagpaliwanag na umano ito sa simula palang.
Saad naman ng mga pasahero na magbabayad sila pero dapat sa saktong presyohan at hindi 'yong nanglalamang.
Narito ang caption ng naturang video:
HNAYUPAK ang driver na ito , biro mo 7 kilometres lang ang natakbo , 2 ,100 pesos ang hiningi sa amin . alam nya OFW ako na kdadating lng , grabi kayo , kaya bumaba na lng kmi , pro ayaw nya , ni lock nya pinto at nagsabing bgay muna bayad . Derham sana ang ebayad ko , pro sbi ng ksama ko , tawag n lng tayo ng pulis . kaya yun mas lalong ngkagulo at pinilit na nming bnuksan pinto ng TAXI nya . paki SHARE baka kilala nyo ito pra mdakip ang trantdong driver na ito.”
Post a Comment