Binisita ng mga kinatawan ng Ministry of Health ng Saudi ang biktimang Pilipino nurse na si Rolando Mina, matapos mabalitaan ang nangyari nito.
Si Mina ay kasalukuyang nagpapagaling ngayon matapos pinagsaksak ng pasyente sa mismong oras ng kanyang trabaho, habang naaresto naman ang hindi pa kinilalang suspek.
Aniya, inakala niyang mga suntok lang ang pinakawalan ng suspek at tuloy lang ang kanyang pag-ilag, huli na umano niyang mapansin na ang sinalag nya ay patalim na umano.
Ang aking panayam sa Pinoy nurse (Rolando Mina) na sinaksak ng pasyente. /via Bong Concha
“Nung una po ay hindi ako naka react, akala ko ay sinusuntok lang ako kaya sinasalag ko po, hindi ko alam na may hawak na syang patalim that time, hindi ko po nararamdaman ang mga saksak nya sa akin kasi parang manipis po ang ginamit nya na pangsasaksak sa akin kaya ang ginawa ko po ay sinalag ko ang mga saksak na pala.” – Kwento ni Mina.
Sa kabila ng nangyari naniniwala si Mina ang nangyari sa kanya ay isolated case at hindi raw dahilan yun para itigil nya ang pagtatrabaho bilang nurse, dobleng ingat lang daw ang kailangan nyang gawin.
Sa ngayon ay magpapagaling muna daw sya saka raw nya haharapin ang kaso para makuha nya ang hustisya.
Panawagan ni Mina sa kanyang mga kapwa medical workers na nasa Saudi.
“Dobleng ingat na lang po sa pagtatrabaho natin dito kasi hindi po natin alam ang pwedeng mangyari sa atin kahit nasa duty po tayo ay dapat po lagi tayong alerto sa paligid natin and as much as possible pag may gumagawa ng ganon ay try to save yourself.” Patapos niya.
Post a Comment