0



Viral ngayon sa social media ang paglalakad sa publiko ng isang suspek na may nakadikit na karatolang “ako’y budol-budol, Huwag tularan” sa kanyang likod at harapan. Noon paman, ito na ang isa sa paraan ng lungsod ng Tanauan upang parusahan ang sinumang suspek na madadakip sa lugar. Ito ay magsisilbing babala para sa publiko na mag-ingat sa mga masasamang tao at maging leksyon sa mga magtatangkang gumawa ng gulo sa Tanauan.





“BUDOL BUDOL DUMAYO SA TANAUAN CITY-TIMBOG

Dumayo pa sa Lungsod ng Tanauan ang mga miyembro ng Sindikato ng Budol Budol at nahuli ang isa sa mga ito matapos makapambiktima.

Huli si Philip Riales ng Dasmariñas, Cavite matapos ireklamo ng mga Biktima at agad naman nahuli ng mga Nakatalang CSU sa Bagsakan sa Barangay Sambat, Ta.nauan City.”

PANOORIN:





Post a Comment

 
Top