Napakagandang balita para sa mga kapatid nating magsasaka, at sa industriya ng taniman sa bansa, mga kababayan!
Ngayong araw, Mayo 22, kinomisyon ng Department of Agriculture ang kauna-unahang fully-operational, Solar-Powered Irrigation System (SPIS) sa Barangay Manubuan, Matalam North Cotabato.
Sa social media page ni DA Secretary Manny Piñol ay makikita ang nasabing proyekto na umano'y kayang magpatubig ng aabot sa 40 hektarya ng sakahan sa halagang P6.4 milyon lamang.
Nakamamangha na sa loob lamang ng 60 araw ay natapos ang nasabing proyekto. Marso nang nakaraang taon umano pinangunahan ni Pangulong Duterte ang proto-type ng SPIS sa M'lang, North Cotabato. Sa kabuuan ay may 116 units pa ang sumasailalim umano sa konstruksyon sa iba't ibang panig ng bansa, sa tulong na rin ng DA.
Watch The Video Below:
Malugod na ibinalita ni Manubuan Small Water Irrigation System Association President Tranquilino Pulanco na sa pamamagitan umano ng SPIS, hindi na umano nila kailangang umasa sa ulan upang makapagtanim. Magagawa na umano nilang makpagtanim kahit dalawa o tatlong beses sa isang taon sa tulong nito.
Ang Manubuan Matalam-SPIS ay nilikha ng RU Foundry ng Bacolod City. Dito, isang 15-horse power Lorentz surface pump mula sa Germany ang gagamitin, upang makakuha ng tubig mula sa sapang katabi ng dating rain-fed rice farms. Pagkatapos, ibobomba ang makukuhang tubig sa isang reservoir na may kakayahang mag-ipon ng 350-cubic meters ng tubig, at saka ito idi-distribute sa rice fields, gamit ang mga tubong may valve heads na bubuksan upang tubigan ang mga sakahan.
Tinatayang apat na hektaryang sakahan ang kayang patubigan ng nasabing system sa isang araw, at 60 hektarya naman sa loob ng 15 araw.
Sa isang bansang tropikal na kagaya ng Pilipinas, napakahalagang bagay ng tubig na isa sa mga pangunahing pangangailangan ng mga pananim upang lumago. Talaga namang nakabibilib na may mga ganitong proyekto ang Pamahalaan na sa kooperasyon at tulong ng iba't ibang sangay nito ay naisasabuhay, para sa ikauunlad ng mamamayang Pilipino.
[SOURCE]
Post a Comment