Sa Facebook page ng DOTr, kanilang inanunsyo ang Cavite Gateway Terminal (CGT) ay 98% kumpleto na!
Inaasahang magbubukas sa susunod na buwan ang ilang infrastructure projects sa ilalim ng Build Build Build Program ng Duterte Admnistration.
Kabilang dito ay ang Cavite Gateway Terminal, ang kauna unahang barge terminal sa Pilipinas.
Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, magbubukas at magsisimulang mag-operate ang Cavite Gateway Terminal sa 5th November ngayon taon.
“Malaking tulong ang proyektong ito para maibsan ang parating dinaraing na traffic ng mga motorista sa Metro Manila, lalo na ng mga working class. Kahit papaano ‘pag nawala iyong mga mahahabang truck na katumbas ng hanggang tatlong sasakyan, mararamdaman natin ang kaunting ginhawa,” Sec. Tugade said.
Kung saan inaasahan na makakabawas sa trapiko sa Metro Manila at sa mga kalapit na lugar. Target ng DOTr ay mabawasan ng 50% ang mga dumadaang truck sa Metro Manila.
SOURCE: FB, DOT
Post a Comment