Naniniwala si VP Leni Robredo na politika ang dahilan ng pagpapalayas kay Sister Patricia Fox sa bansa.
“Nakakalungkot na politika ‘yung naging dahilan. Nakakalungkot na ‘yung pagpahayag ng mga saloobin parating kailangan mong pagbayaran,” Robredo said in a radio interview with RMN.
“Siguro paalala din sa’tin, sa’ming mga politiko na pahiram lang sa’min yung mga posisyon na hinahawakan namin ngayon,” she added, stressing that politicians should not consider their positions as “personal rights” as they are expected to serve the country.
Ayon kay Robredo – 27 taon ding tumulong sa mahihirap na Pilipino ang madre kaya nakakalungkot na napaalis siya sa bansa nang dahil sa pagpapahayag ng saloobin laban sa administrasyon.
Parang mas Pilipino pa nga aniya si Sister Fox kaysa sa ilang mga Pinoy.
Samantala, Umaasa naman si Robredo na darating ang panahon na babalik ng bansa ang Australian missionary at ipagpapatuloy ang pagtulong sa mga Pilipino.
Kagabi nang magbalik-Australia si Sister Fox matapos na ibasura ng Bureau of Immigration hirit nitong visa extension na nag-expire na rin kahapon.
Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalayas kay madre dahil sa umano ay pakikisali nito sa mga political rallies laban sa gobyerno.
SOURCE: RMN, NEWS5
Post a Comment