Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na walang mangyayari sa Pilipinas kung hindi siya magpapatupad ng diktaduryang uri ng pamamahala sa bansa.
Ang pahayag ay kasunod ng pagbatikos ng mga kritiko ng Pangulo sa kanyang diumano’y pagiging diktador sa pagbuo ng Pederalismong uri ng gobyerno; ayon sa ulat ng Inquirer.
Binatikos din si Duterte sa kanyang deklarasyon ng Martial Law hanggang sa katapusan ng 2018.
“Sabi mo diktador, diktador talaga ako. Kapag hindi ako naging diktador, p*t*ng *na, walang magyayari sa bayan na ‘to. Totoo. Kung ‘di ako mag-diktador ngayong style ko na ‘to ngayon, walang mangyayari sa bayan natin,” ayon kay Duterte.
Ang pahayag na ito ng Pangulo ay ilang araw bago ang paggunita sa 32nd Edsa People Power Revolution kung saan nagwakas ang pagiging diktador ni Ferdinand E. Marcos.
Nauna nang inihayag ni Duterte na wala siyang planong maging diktador.
Inatasan rin ng Pangulo ang mga militar at pulis na siya’y barilin kapag lumagpas siya sa kaniyang panunungkulan sa 2022 kahit isang araw lamang.
SOURCE: FILIPINO BALITA, INQUIRER
Post a Comment