0





Pinaaaresto na ni Senate committee on banks, financial institutions and currencies Chairman Sen. Francis Escudero, si dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista.


Bunsod ito ng patuloy na pagbalewala ni Bautista sa mga pagdinig ng Senado ukol sa umano’y tagong yaman at iba pang isyu laban sa dating pinuno ng poll body.

Nabatid na inisnab uli ni Bautista ang pangatlo sanang hearing ngayong araw.





Una rito, nagpadala ng liham ang dating opisyal at hinihiling nito na i-recall ang subpoena na inisyu sa kaniya ng lupon.

Giit ni Bautista, wala naman siyang natanggap na imbitasyon sa mga nakaraang hearing dahil nasa labas siya ng bansa para magpagamot.


Nais ding mabawi ng Comelec chairman ang mga dokumentong nakuha sa kaniya ng kampo ng dati nitong asawa na si Patricia Bautista.




Pero sa halip na humupa ang pagkadismaya, lalong nairita ang mga opisyal ng lupon dahil maging sa liham ay hindi man lang inilagay ni Bautista kung saang lugar siya matatagpuan.



[SOURCE]

Post a Comment

 
Top