0






Isinusulong sa Kamara ang pagpapatupad ng Nationwide curfew para sa mga menor de edad.

Layon ng House Bill 894 o Disciplinary Hours for Minors Act na akda ni Quezon 4th District Representative Helen Tan na magkaroon ng curfew upang mapanatili ang kaligtasan ng mga bata.

Naniniwala rin si Tan na sa pamamagitan ng naturang panukalang batas ay mailalayo ang kabataan sa masasamang bisyo at krimen.

Sa ilalim ng naturang proposed Bill, ipagbabawal na gumala, maglibot o manatili sa lansangan ang mga batang labing pitong (17) taong gulang pababa nang walang kasamang nakatatanda ng alas-10:00  ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.





Sa unang pagkakataon na mahuhuli ay sasailalim sa counselling ang bata at kanyang magulang o guardian habang sa ikalawang pagkakataon ay community service ang kakaharapin ng bata.

Ngunit sa ikatlong pagkakataon na mahuli ay maaaring pagmultahin o kaya naman ay ikukulong na ang nagpabayang magulang.


Watch The Video Below:






Post a Comment

 
Top