Kahit panahon ng tag-init, inulan ng maliliit na butil ng yelo ang nayon ng Atok sa Benguet kahapon ng hapon. Sinira ng hailstorm ang ilang pananim sa bukirin. Natabunan din ng yelo ang mga daan sa Sitio Sayangan, Barangay Paoay. Hindi umano ito ang unang beses na umulan ng yelo dahil nangyari na ito sa Baguio at Metro Manila kahit na summer season. Paliwanag ng weather bureau na dahil sa mataas na temperatura, mas mabilis na mag-evaporate ang tubig sa atmosphere at nabubuo ang thunderstorm o bagyo.
PANOORIN:
Post a Comment