0



Terminal ng mga Bus, UV Express at Jeep, Mala-Airport ang Features

Sa unang tingin ay aakalain mong ito ay isang international na paliparan ang matatagpuan sa Paranaque Integrated Terminal Exchange. Fully airconditioned, may libreng charging station, libreng wi-fi, at magagarang palikuran. Tulad ng mga airports, mayroon rin itong mga gates para sa arrival at departure, may mga luggage carts para sa bagahe ng mga pasahero.

Ayon kay PITX General Manager na si Mariano Arroyo Jr., ang pangunahing layunin ng PITX ay ang maibsan ang trapiko sa Metro Manila. Ang mga bus at jeep ay magkakaroon ng iisang terminal upang hindi na sila huminto sa kalye para kumuha ng mga pasahero.

Niliwanag ni DOTR Asec Mark De Leon na walang dagdag na bayad ang isisingil sa mga pasaherong pupunta sa nasabing terminal para sumakay at ang kanilang babayaran lamang ay ang pamasahe sa bus na kanilang sasakyan. Samantala, isang maliit na terminal fee ang kukunin mula sa mga bus companies at mga jeeps.

PANOORIN:





Post a Comment

 
Top