DOBLE DAGOK | Sereno, Maaring Maharap pa sa Disbarment!
Matapos masibak sa pagiging Chief Justice si Atty. Maria Lourdes Sereno sa pamamagitan ng Quo Warranto case , posible naman ngayong maharap sa disbarment ang dating Punong Mahistrado. Ito ay dahil sa mga naging public statement niya habang dinidinig pa ang petition laban sa kanya.
Noong May 11, nag-isyu ang Korte Suprema ng show cause order laban kay Sereno dahil sa umanoy paglabag nito sa Code of Professional Responsibility and the Code of Judicial Conduct for transgressing the sub judice rule.
Ayon sa patakaran, bawal pag-usapan sa publico ang mga kasong dinidinig sa korte.
"She may be held liable for disbarment for violating the Canons of Professional Responsibility for violating the sub Judice rule by repeatedly discussing the merits of the quo warranto petition in different fora and for casting aspersions and ill motives to the Members of the Court even before a decision is made," sabi ni Associate Justice Noel Tijam sa kanyang opinion.
Post a Comment