Kamakailan lang ay inanunsyo ni Pangulong Duterte na magbibigay ng dalawang attack helocopters ang bansang Jordan, ngayon naman ay nagbigay ang South Korea ng 130 sasakyan para sa ating kapulisan.
81 dito ay Starex at ang 49 naman dito ay Elantra. Ang mga sasakyan ay gawa ng Hyundai, isang kilalang brand ng sasakyan mula sa South Korea.
Narito po ang ilang litrato sa event galing sa PTV at DDS News.
Sinaksihan ni PNP Chief Oscar Alabayalde ang pag turnover sa mga sasakyan.
Kasama rin sa okasyon sina DILG Undersecretary Bernardo Florece Jr., South Korean Ambassador Han Dong-Man and Commissioner General of Korea National Police Agency Lee Chul-Sung.
Ipamamahagi ang mga naturang sasakyan sa opisina ng kapulisan sa Angeles, Cebu, Lapu-Lapu, Mandaue, Davao at Baguio.





Post a Comment