Binutata ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pahayag ni Magdalo Rep. Gary C. Alejano kung saan sinabi ng kongresista na inutusan raw ni Pangulong Duterte ang AFP na tigilan na ang pag-patrolya sa WPS.
"I do not know where Cong. Alejano got that supposed instruction from the Commander-in-Chief. Malamang kuryenteng balita 'yan, if not yet another malicious imputation on the President dragging the AFP in."
Photo ©: AFP spokesperson Col. Edgard Arevalo FB account
"For the record, there is no such order coming from the Commander-in-Chief. As a matter of fact, our maritime and aerial patrols continue- contrary to such information allegedly received by the Partylist Congressman," dagdag pa ni Arevalo.
Matatandaang sinabi ni Alejano na nakatanggap raw siya ng inpormasyon tungkol dito galing sa kanyang pinagkakatiwalaang sources sa AFP.
“I received information that the Duterte administration ordered our Armed Forces not to patrol West Philippine Sea anymore,”
“Ayun ang information na nakuha natin na ‘wag na tayong magsayang ng oras sa West Philippine Sea kasi wala rin naman mangyayari. Gagastos tayo ng fuel diyan wala rin naman mangyayari.. so ‘wag na kayo mag-patrolya,” - pahayag ni Alejano sa isang news forum.
"I'm confident with the information coming from my sources," - dagdag pa nito.
Samantala, ayon sa AFP ay tinitiyak umano nila sa publiko na ipagpapatuloy ng military sector ang pagtupad nila ng tungkulin sa ating mga kababayan.
Ano sa palagay niyo Kabayan? Saan kaya nakakuha ng nasabing impormasyong itong si Cong. Alejano? May katotohanan kaya ito?
Post a Comment