Naging mainit ang Press briefing ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque sa pagitan ng mga reporter na nagtatanong at sa kanya, kasama ang tatlong mangingisda na mismong iniharap niya sa kanyang Press briefing.
Ang mga reporter ay malayang tinatanong ang mga mangingisda patungkol sa kanilang naging karanasan sa West Philippine Sea habang ang mga ito ay nangingisda sa lugar. At tungkol rin sa Reporter’s Notebook na dinokumentaryo ni Jun Veneracion na pinamagatan niyang ‘Batas ng Karagatan’.
Ang dokumentaryo ni Veneracion ay nag-ingay sa social media kung saan nabatikos naman ang kasalukuyang Administrasyon.
Nakiusap rin ang mga ito sa media na dahan-dahan o ayusin nila ang kanilang pagbabalita dahil sila ang apektado. Ayon sa kanila, huwag umano pagsabungin ng mga Media ang China at Pilipinas dahil baka mawawalan naman sila ng hanap buhay kapag bumalik naman ang girian ng dalawang bansa.
Ang hindi lang umano gusto ngayon ng mga mangingisda sa mga Chinese ay ang sapilitang pagkuha o paghingi ng mga isda na kanilang huli. Ang gusto lang sana ng mga mangingisda ay dapat kusa silang magbigay ng isda sa mga tsino.
Subalit kakaiba ang naging pahayag ng mga mangingisdang ito kumpara sa dokumentaryo ni Veneracion. Ang kanilang sagot ay positibo para sa Duterte Administrasyon.
Ayon sa mga mangingisda, mas ok raw ngayon kumpara noong panahon ng Aquino Administrasyon. Nakakapag-hanapbuhay raw sila ngayon dahil nakakapangisda sila sa nasabing karagatan kumpara noong panahon ni Noynoy Aquino kung saan halos wala na silang hanapbuhay dahil tinataboy sila ng mga Chinese Coast Guard.
Isiniwalat rin ng mangingisdang ito na minsan raw ay nagbibigay rin naman ang mga Chinese ng mga pagkain nila tulad na lamang ang noodles, tubig, sigarilyo at iba pa kapalit ang huli nilang isda.
Itinanggi rin nila na hinaras sila ng mga Chinese Coast Guard sa panahon ni pangulong Duterte na ayon sa balitang nai-ulat ng ilang mainstream media ay hinaras raw sila.
Panoorin po ninyo ang isang oras na video kabayan. Worth it talaga ito panoorin at dapat marinig ng bawat Filipino dahil nagmula na mismo sa kanilang bunganga na mas ok ang kanilang kalagayan ngayon kumpara sa dating administrasyon.
Watch The Video Below:
[SOURCE]
Post a Comment