0




Nang interbyuhin si Davao City Mayor "Inday" Sara Duterte-Carpio patungkol sa kanyang balak na tumakbo para sa 2019 mid-term eleksyons - ito'y sinagot niya ng pabiro at sinabing,


"Vice President? Joke only."



Ngunit iginiit ni Inday Sara na tradisyon daw ng mga Duterte na magdesisyon sa pagtakbo "1 or 2" months bago ang eleksyon. Tila taktiko ng mga Duterte sa politika ang ayaw mag sayang ng pera para sa posisyong posibleng di nila makukuha.

Sabi niya, kahit si Pangulong Duterte ay hindi nagbigay ng advise sa kung anong posisyon ang kanyang tatakbuhin sa darating na eleksyon.

“It’s up to us to decide,”



Base naman sa naunang ulat, balak rin ni Inday Sara na tumakbo ulit bilang mayora ng Davao City o tumakbo bilang isang kongresista.

Mapaseryoso man ang balak ni Inday Sara o hindi, alam nating nasa mabuting kamay siya kung siya'y tatakbo bilang bise-presidente sapagkat ang kanyang tatay ay isang dakilang Lider ng Pilipinas. Siya'y magagabayan at mapapayuhan ni Pang. Duterte at siguradong ipagpapatuloy niya ang sinimulan ng kanyang tatay na magdadala ng higit pang kaunlaran sa bansa.




Post a Comment

 
Top