San Mateo, Isabela – Nawalan na ng paningin at maraming peklat sa kamay at paa ng isang OFW sa San Mateo Isabela matapos ang apat na taon sa bansang Abu Dhabi, UAE.
Ayon mismo kay Crisanta Ebe, kamag anak ng ofw na si Merly Rivera, apatnapu’t dalawang taong gulang, lima ang anak at residente ng Salinungan West San Mateo, Isabela ay kararating lamang noong nakaraang Sabado (July 14, 2018).
Nanlumo umano sila sa naging itsura ni Merly na dumating samantalang napakalusog na pumunta sa bansang UAE noong August 14,2014.
Paliwanag pa ni Crisanta na umabot pa sa pitong buwan noon na nakakausap siya ng pamilya at pagkatapos nito ay wala nang balita sa kaniya dahil sa kinuha umano ng amo niya ang telepono o cellphone.
Batay pa umano sa salaysay ni Merly ay binuhusan ng mainit na tubig ng among arabo at Indonesian ang kaniyang mata na sanhi ng kaniyang pagkabulag.
Pinukpok ng bakal na sandok ang kaniyang paa kaya hindi gaanong makalakad, nilagyan ng hena (henna) ang mga daliri at braso para hindi makita ang mga pasa at peklat nito at may marka rin sa kaniyang noo dahil sa iniuntog ng amo niya sa pader.
Inihatid na lamang umano ng amo si Merly sa airport kung kaya’t nakauwi ito dito sa bansa.
Samantala kasalukuyan ang imbestigasyon ng mga kinaukulang ahensya sa nangyari kay ginang Rivera at sa tulong narin ng mga matataas na opisyal ng lalawigan ng Isabela.
SOURCE: RMN
Post a Comment