1




Isa na namang kababayan nating OFW ang dumulong sa programa ni idol Raffy Tulfo upang humingi ng tulong na mabawi ang lahat na naibigay niya sa kanyang boyfriend na niloko lang siya.

Nakilala siya sa pangalang si Hanelyn Lucasia na isang OFW . Ayon kay Hanelyn ay gusto niyang matulongan na mabawi ang lahat na ibinigay nito at ireklamo ang kanyang boyfriend na nakilala lamang sa social media dahil umano sa panloloko nito sa kanya.




Ang lalaking ito ay nakilala sa pangalang Melvin Aurella  na isang security guard. Siya ang minahal ng lubusan ni Hanelyn na kung saan ay ginawa ang lahat para sa boyfriend ngunit niloko lang siya nito dahil may iba pala itong girlfriend.

Gustong mabawi ni Hanelyn ang mga gamit na naibigay niya gaya cellphone at relo na hiningi umano sa kanya ng kanyang nobyo.

Ayon kay Hanelyn, bigla nalang umano siya blinock ng kanyang nobyo sa Facebook at dito nalaman niya na may ibang babae pala ang kanyang lalaking pinakamamahal.

Sinabi pa ni Hanelyn na mas pinili pa niya ang kanyang boyfriend kaysa sa pamilya niya at lahat umano na sahod nito ay kanyang pinapadala sa kanyang nobyo. Inamin ni Hanelyn na may dalawang anak ito at dito ay mas pinili pa niyang ibigay ang lahat niyang sahod at ipinapadala niya sa kanyang nobyo bagay na ikinagulat naman ni idol Raffy ang katangahan ni Hanelyn sa pag-ibig.





Sinamahan ng kampo ni Raffy Tulfo si Hanelyn para kunin ang kanyang mga gamit na naibigay niya kay Melvin. Dito ay nagtalo pa silang dalawa at makikita mo talaga sa kilos ng babae na mahal na mahal niya ang lalaking ito kahit niloko siya.

Sa ngayon ay magkaibigan nalang sila dahil may ibang mahal na si Melvin. Handa naman umanong maghintay si Hanelyn kung sakaling balikan siya ni Melvin.Unblock lang sa facebook ang hinihingi ni Hanelyn.



Watch The Video Below:






Post a Comment

  1. Putang ina babae ito nakakainis.. Halata namang malaki parin ang gusto sa lalaki.yan kc gago babae ka mas pinilo mo pa itong lalaki kaysa mga anak mo.

    ReplyDelete

 
Top