0



Isang Pinay sa Hong Kong na isang OFW Humingi ng saklolo sa programa ni Raffy Tulfo para ireklamo ang dating nobyong Seaman. Inirereklamo niya ito dahil umano sa pagpapakalat ng malaswang video ng kanilang pagtatalik na kalat na ngayon sa Social media.

Ang pumunta sa mismong studio ng ‘Wanted sa Radio’ na programa ng TV5 bilang representante ay ang kapatid ng nagrereklamo na si Merlinda Aguirre.




Ang Pinay na nagrereklamo na si Analyn Aguirre ay may sariling pamilya at ganun rin ang kanyang nirereklamong Seaman na si Jovan Lucero. Sa kuwento ng Pinay, nagkita raw sila ng Seaman niya sa Hong Kong at dito may nangyari sa kanilang dalawa at di niya umano namalayan na kinunanan ng seaman ng video ang kanilang pagtatalik.

Tinanong ni Raffy Tulfo ang inirereklamong seaman pero itinanggi nito ang paratang ng kanyang nobyang OFW. 

Sa haba ng kanilang pag-uusap ay hindi na nakapagtimpi pa si Tulfo para banatan at barahin ang seaman dahil sa paligoy-ligoy nitong sagot sa mga tanong ni Tulfo.




“Ako yung katapat mo at sisiguruhin ko masisira ang buhay mo sa legal na paraan, gigibain ko yang mundo mo. Bastos ka!” buwelta ni Raffy sa seaman.





Watch The Video Below:






Post a Comment

 
Top