0



READ the Fb post of Atty. Glenn Chong Below:


HINDI AKO BAYARAN

Dahil walang maibatong isyu ang mga trolls ng mga mandaraya laban sa akin, pinipilit nilang ako ay pakawala ni BBM at isang bayaran.

Noong 2008, nang ako ay nakaupong congressman ng Biliran, binigyan ako ng DPWH ng P209 million road resurfacing project. Ang road resurfacing project ay proyekto kung saan ang isang hindi sementadong kalsada ay kukumpuniin. Lalagyan ito ng base course (Material 101 sa nomenclature ng DPWH) o lupa at bato at pagkatapos ay pipisonin upang maging compact muli ang kalsada.

Madali lang gawin at tapusin ang proyektong ito. Pero pagkalipas naman ng malakas na ulan o bagyo, sira na uli ang kalsada. Washed out na rin ang pera ng bayan. Magbudget na uli ang pamahalaan. Walang katapusang paglustay sa pera ng bayan.

Kaya paborito ito ng mga kurakot dahil malaki, mabilis, malinis at paulit-ulit pa ang kita. Kung ang kurakot na opisyal ay congressman at siya rin ang contractor, minimum 50% ng project cost ang kikitain niya rito.

Naitala na sa 2008 National Expenditure Program ang P209 million road resurfacing project ng matanggap ko. Dahil tao din lang naman ako, pumasok sa isipan ko na P104.5 million ang kikitain ko sa loob lamang ng 3 buwan kung tatanggapin ko ito. Pero malinaw rin sa aking isipan ang aking pangako sa aking mga kababayan na batuhin nila ako kapag hindi ko masemento ang kanilang kalsada sa loob ng aking termino.




Sinulatan ko kaagad si DPWH Secretary Jun Ebdane upang isauli ang P209 million road resurfacing project at kung maari ay palitan ito ng pagsesemento o road concreting project. Inaprubahan agad ng DPWH ang aking hiling na sementuhin na lang ang kalsada kahit mas magastos pero mas matibay naman at hindi ma-washed out ng isang ulan o bagyo.

Nang sumunod na taong 2009, P150 million lang ang ibinigay sa akin para sa pagsemento ng kalsada. Kaya sa budget hearings, nagdrama ako na haharangin ko ang budget ng DPWH dahil maliit lang ang ibinigay na pangsemento ng kalsada sa amin. Hindi talaga ako umalis sa Kamara kahit pa alas-11.00 na ng gabi. Hinintay kong umabot ang deliberations sa budget ng DPWH.

Kinausap ako ng Regional Director na lambingin na lang si Sec. Ebdane upang makahirit ako ng dagdag na pondo. Tumabi ako sa gilid ni Sec. Ebdane at nagreklamo. Sabi niya wala na raw talagang maidagdag. Then, siguro natandaan niya ang aking pangalan. Tinanong niya ako kung ako ba ang nagsauli ng P209 million road resurfacing project. Sabi ko ako nga. Tinitigan niya ako sabay sabing bibigyan niya ako ng dagdag na P50 million pangsemento ng kalsada. Tuwang-tuwa ako dahil hindi na ako mababato ng aking mga kababayan.




Dalawang buwan ang lumipas, nagresign si Sec. Ebdane. Gumuho naman ang aking mundo dahil alam kong mawawala ang dagdag P50 million na pangsemento dahil hindi ito naipasok sa batas o General Appropriations Act of 2009. Sa ibang pondo niya kunin upang ibigay sa aking distrito.

Nalaman ko na lang na isang linggo bago nagresign si Sec. Ebdane ay nilaan na pala niya ang P50 million na pangsemento sa aming kalsada. Natuloy ang proyekto. Happy ako.

Kaya nang matapos ang aking termino, 3 taon lamang, 31 kilometrong kalsada ang aking napasemento. Samantalang ang aking kalaban ay 32 kilometrong kalsada ang napasemento sa loob ng 12 taon kasi ang karamihan ng kanyang proyekto ay road resurfacing project. In simple mathematics, talo kami ng 9 taon sa ilalim ng pamumuno ng aking kalaban.

Bakit mahalaga ang pagsemento ng kalsada? Dahil ayon sa pananaliksik ng World Bank, ang pagsemento ng kalsada at pagkonekta ng mga bayan sa regional transportation network ay nagbibigay ng 20 karagdagang benepisyo sa tao kaysa ibang uri ng proyekto. Nandoon ako sa seminar ng sinabi ito ng representative ng World Bank. Tinandaan at ginawa ko ito.

Kaya nang dumating ang campaign season ng 2010 elections, hindi talaga ako nabato ng aking mga kababayan dahil tinupad ko ang aking pangako. Pero biniktima naman ako ng riding in tandem na Comelec at Smartmatic. Kaya hindi ko talaga sila mapapatawad ever!

Kung tinalikuran ko ang P104.5 million na kikitain ko sana sa road resurfacing project noon, kayang-kaya ko ring talikuran ang barya-baryang ibabayad ni BBM sa akin kung pera lang ang habol ko sa ipinaglalaban ko ngayon.

Kaya kayong mga trolls ng mga mandaraya, mag-ingat kayo sa mga isyung ibabato ninyo sa akin. Hindi ako mauubusan ng bala.




What can you say about this? Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below.



Source: Facebook 

Post a Comment

 
Top