0




Isa si Lanao Del Sur 1st District Assemblyman Zia Alonto Adiong sa mga partikular na bumatikos hinggil sa kakaibang presentasyon ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson para maipaliwanag sa sarili nitong paraan ang Pederalismo.

Dinaan ni Zia sa isang twitter post nitong dumaang linggo ang pagka – dismaya nito sa video. Ayon sa kanyang tweet, “HOW CAN THE PUBLIC APPRECIATE FEDERALISM IF THIS IS THE MANNER BY WHICH THEY INTEND TO EXPLAIN IT? THE ISSUE ON FEDERALISM IS NOT A JOKE. WHY FOOL AROUND? FEDERALISM DESERVES BETTER THAN TOILET HUMOR.”




“If you think that the recent “‘pepe…dede.. pederalismo’ video campaign drive is offensive to your taste then imagine how the early proponents of Federalism may react. The late Sen. Tomas Cabili of Lanao probably was rolling over in his grave by now,” dagdag ni Zia.

Bagay na hindi rin pinalampas ng kilalang online political analyst at writer na si Sass Rogando Sasot. Sa kanyang Facebook page na For the Motherland, inihambing nito ang kaibahan ng UNITARY at FEDERAL Form of government sa bersyon naman nito ng ‘toilet humor’.

Hindi man nilinaw kung ang post ni Zia ang pinatatamaan nito, naihalintulad naman ni Sass sa 3-in-1 na kubeta ng PNR bilang metapora sa kasalukuyang UNITARY form of government kumpara sa FEDERALISM na may sariling otonomiya at kalayaan ang mga rehiyon kung kaya’t may ‘cubicle’ ito kung maihahalintulad sa KUBETA.




Narito ang kabuo – ang post ni Sass sa kanyang Facebook blog page:







[SOURCE], DAILY SENTRY

Post a Comment

 
Top