0




Hindi akalain nina Shane at Mike na agad masusuklian ang kabutihang kanilang ginawa. Inalok kasi nila ang tatlong batang nagtitinda ng sampaguita na kumain sa isang restaurant sa Makati. Maya-maya, may tumabi sa kanilang lalaki at nakipag-usap sa kanila.

Nang kunin na nila ang kanilang bill, nagulat sila na bayad na ang lahat ng kanilang kinain. Ang nagbayad, 'yung lalaking kumausap kina Shane at Mike. At may naiwan pang note na pumupuri sa kanilang kabutihan. Ni hindi raw nagpakilala ang lalaki.




Pero natunton siya ng GMA News: si Casey Dapiton, isang bartender sa barko Hindi naman daw siya mayaman pero batid niyang hindi ito hadlang para makatulong sa iba. 'Yan din ang motto ng rider na si Jasper De Leon. Challenge pa niya sa netizens, gumawa ng "one good deed a day."

Ang isa sa kaniyang ginawa, agad nag-viral. Nag-drive thru siya sa fastfood chain at ipinamahagi ang mga pinamili sa mga palaboy sa kalsada Pati na sa mga walang makain na kaniyang nakakasalubong.




Libu-libo na ang shares at views ng post ni Jasper, at sana raw, libu-libo rin ang ma-inspire na gumawa ng mabuti sa kapwa!



PANOORIN:







[SOURCE]

Post a Comment

 
Top