0




Nakasungkit ng Pwesto ang Pilipinas sa United Nations Human Rights Council sa ginanap na botohan sa New York.

Sa kabila ng mga patutsada at mga pagkilos ng mga maka-kaliwa laban sa administrasyon ni Pangulong Duterte, nananatiling namamayagpag ang presidente sa kanyang mga adhikain.

Matatandaan na ang mga nasa partido Liberal ay umabot na sa United Nations at International Criminal Court upang tahasang ipahayag ang mga akusasyon nito sa pangulo ukol sa EJK o extra-judicial killings, mga paglabag sa karapatang pantao, korapsyon at iba pang patuloy na humahabang listahan ng mga reklamo nito.



Sa naging mensahe ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa media, nakakuha ang Pilipinas ng 165 votes, mula sa 193-member UN General Assembly. Nabatid kasi na ang bawat bansa ay kailangan ng hindi bababa sa 97 votes upang mahalal sa naturang council.

Dahil dito, ang Pilipinas ay magsisilbi sa ika-limang termino nito sa UN Human Rights Council o mula 2018 hanggang 2021.





Pinangunahan ni permanent representative at incoming foreign affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., ang Philippine delegation sa UN.



Watch The Video:







SOURCE: RMN NETWORKS

Post a Comment

 
Top