0




"I represent the other members of the Senate. This is not just about me or my family, but for the future of my grandchildren and my fellow senators,”

Ito ang naging pahayag ni Senador Tito Sotto ng ihain niya ang kasong cyber-liber laban kay Cocoy Dayao sa Pasay City Prosecutors Office. Si Dayao ang itinuturong nasa likod ng libelous at anti-government website na silentnomoreph.com, ang website na nag-lathala ng mapanirang artikulo laban sa 7 senador. Matatandaang binansagan ng SilentNoMorePh sina senador Sotto, Koko Pimentel, Dick Gordon, Cynthia Villar, Migs Zubiri, Gringo Honasan and Manny Pacquiao na mga aso ng MalacaƱang at ginawan pa ng kasinungalingan tungkol sa hindi pagpirma diumano ng mga ito sa isang resolusyon na kumukundena sa mga pagpatay sa kabataan.



"Tinuluyan ko na talaga [magsampa ng kaso]... Magcriticize tayo nang nasa lugar. Hindi yung malisyoso at nakakasira ng integridad ng mga tao... An apology means nothing. Anong gusto mong makuha ng taong bayan natin, na ‘pag merong siniraan at pinagmumura at ‘pag tapos ay magsosorry ka lang, okay na? Kailangan ng kaukulang parusa.” sabi pa ni Sotto.

Sa masusing pagsasaliksik ng blogger na si Rey Joseph Nieto a.k.a. ThinkingPinoy at sa tulong ng National Bureau of Investigation (NBI), nakumpirma na si Dayao nga ang may-ari at nang silentnomoreph.com at 23 pang websites na naninira sa gobyerno. Ayon sa ilang impormasyon, si Dayao ay pinaniniwalaang nakalabas na raw ng bansa. Kaya may ugong-ugong na hihilingin daw na ipakansela ang pasaporte ng taong ito.



Panoorin ang kaugnay na video tungkol sa kaso na ito.

Watch The Video Below:





Pabor ba kayo na makulong si Dayao dahil sa ginawa nitong kabalastugan?


Source: Inquirer and GMA News




Post a Comment

 
Top