0



Pinangunahan ni Davao City Mayor Sara Duterte ang pamimigay ng mga gift pack at cash gift sa mga nagsisilbi sa lungsod Biyernes. Hernel Tocmo, ABS-CBN News


DAVAO CITY - Dumalo si Davao City Mayor Sara Duterte sa Christmas party sa Davao City Recreation Center at nanguna sa pamimigay ng gift packs at P2,000 regalo sa libo-libong traffic enforcers, street sweepers, garbage collectors, miyembro ng Bantay Dagat at Canal Brigade sa siyudad Biyernes.

Ayon kay Duterte, bukod sa P2,000 na pamasko, makakatanggap din ng isa pang bonus ang mga nagmamando ng trapiko at mga tagalinis ng lungsod.

"Mao ni ang mga employees sa city government nga lisod kaayo ang trabaho. Manglimpyo ug kanal, magkuha og basura. Magpainit, magpaulan atong mga enforcers. So duna ta'y gamay nga gihatag nga extra para sa ilahang Pasko, on top sa unsay madawat nila sa city government of Davao," sabi ng anak ng Pangulo.



(Sila ang mga empleyado ng city government na napakahirap ng trabaho. Naglilinis sila ng kanal, kumukuha ng basura. Naiinitan, nauulanan ang mga traffic enforcer. So mayroon tayong maliit na ekstrang binigay sa kanila ngayong Pasko, bukod sa natanggap nila.)

Hindi binanggit ni Duterte kung magkano ang bonus na ibibigay sa mga street sweepers at traffic enforcers.

Ayon kay Jerry Coronica, isa sa mga naglilinis ng kanal para iwas-baha ang lungsod, mas nahihikayat sila ngayong magtrabaho dahil pinapahalagahan ang kanilang mga ginagawa.

"Wala namo gikaulaw among trabaho. Gipangmalaki namo bisan naa mi sa drainage," sabi ni Coronica.



(Hindi namin ikinahihiya ang aming trabaho. Ipinagmamalaki pa rin namin kahit nasa drainage department kami.)




[SOURCE]

Post a Comment

 
Top