0



Isang Filipino-American ang muling namayagpag sa ibang bansa at umukit ng kasaysayan ng siya ay manalo bilang Mayor ng isang siyudad sa California.

December 11, ng piliin ng tatlong member council si Juslyn Manalo para maging mayor ng Daly City. At isa pa ding Fil-Am ang naging Vice-Mayor at ito ay si Ray Buenaventura.

Si Juslyn ay ang kauna-unahang babae na naging Mayor ng siudad. Pinalitan niya si Glenn R. Sylvester na isa ding Fil-Am na nagsilbi lang ng isang taon bilang Mayor ng lungsod.

Bakas sa mukha ni Manalo ang kaligayang at sinabi niya sa oath taking at turnover ceremony na hindi daw siya makapaniwala sa mga nangyayari ng araw na iyon.

Siya din ay nagpapasalamat sa mga sumoporta sa kanya na naging daan para maluklok siya sa nasabing pwesto.



“This moment is surreal and something special to me, I thank the community and every single person here who put me (in the position)." Sabi ni Mayor Manalo

Ipinangako din niya na tututukan niya ang pagpapaunlad ng ekonomiya ng Daly City, partikular  ang pagpapalago daw ng mga hotels, pabahay at human services.

“I am so thankful for this opportunity; it brings forth new ideas to boost the city’s economy and housing development opportunities, “ Manalo said.

Ang Daly City ay may populasyon na higit pa sa kalahati and Asyano, kung saan may 33 percent ay mga Pilipino, 15 percent ang mga Chinese. At nasa 25 percent naman ay ang mga White at African American habang 23 percent naman ay Latino.



Samantala dumalo din ang buong pamilya ni Mayor Manalo sa kanya oath taking. At ng mainterview ang kanyang ina ikinuwento nito kung paano siya nagsimula at kung ano ang kanyang ginagawa noong siya pa ay nagaaral.



“My daughter was actively involved in community service during her school days, She graduated with a degree in Asian American Studies and Public Administration from the San Francisco State University." Kwento ng nanay ni Mayor Manalo





"Born and schooled in San Francisco from pre-school to college, she is a real people-person even when she was a small child. She would share her meal with her classmates and showed a deep understanding of poverty." Dagdag pa nito.

At naniniwala din ang iba pang opisyal ng Daly City sa kakayahan ni Mayor Manalo.

“I have complete confidence in her; we have the same projects and ideas and I believe she will continue the plan toward more affordable housing, more retail (stores) to provide revenue and raise the city’s minimum wage to $12 an hour. “ Sabi ng dating Mayor na si Glenn Sylvester.

Kaya naman panigurado maraming Pilipino ang natutuwa sa kanyang narating at muling sinisigaw ang #ProudtobePinoy.



Watch The Video Below:





[SOURCE]

Post a Comment

 
Top