Tatlong batang naturukan ng Dengvaxia vaccine ang namatay noong April 2016 base sa datos na nakuha ng Volunteers Against Crime and Corruption.
“May na-receive na kaming information sa aming coordinator sa Central Luzon [na] tatlo na po ang namatay doon na bata na tinurukan nitong Dengvaxia na ito noong April 2016,” sabi ni VACC Chairman Dante Jimenez sa isang press conference kasama ang Department of Justice.
Dagdag pa niya, ang isa sa tatlong namatay ay sampung taong gulang na estudyante sa Bataan.
VIA NEWS5’S GARY DE LEON | Press conference ng DOJ at VACC kaugnay ng anomalya sa Dengvaxia dengue vaccine.
Sa ngayon ay hiniling na ng VACC sa National Bureau of Investigation na kausapin ang mga magulang ng bata para makuhay ang kanyang labi.
Kaugnay nito, inutusan ng DOJ ang NBI na imbestigahan ang sinasabing anomalya sa nasabing bakuna kontra dengue.
[SOURCE]
“I issued a department order for the NBI to conduct investigation in case build-up over the danger to public health arising from the P3.5-billion anti-dengue vaccination drive of DOH and Sanofi Pasteur; and if evidence so warrants, to file appropriate charges,” sabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Ayon pa kay Aguirre, bahagi rin ng ikakasang imbestigasyon ang sinasabing overpricing sa Dengvaxia at ang pagmamadali umano sa pamamahagi nito noong nakaraang taon.
“Mayroong criminal liability rito. May graft and corruption aspect. [Pero] iyan po ay hindi natin pangungunahan. Maghihintay tayo ng initial report ng NBI sa akin.”
Sa tala ng Department of Health, nasa 733,713 bata ang nabigyan ng bakunang Dengvaxia.
[SOURCE]
Post a Comment