0



Nagsakripisyo sa ibang bansa si Marlon Gamos para matupad ang pangarap nilang mag-asawa, pero hindi na matutuloy ang mga plano dahil pinatay ng mga hinihinalang adik ang kanyang asawa at anak. Hinagpis ang naramdaman ni Gamos nang umuwi siya sa Pilipinas para makasama sa huling sandali ang kanyang pamilya sa Cavite. Ayon kay Gamos, huwebes pa raw ng gabi nang huling nakausap niya ang kanyang pamilya. Nakasanayan na raw kasi nilang mag-usap araw-araw, tuwing umaga. Kaya laking pagtataka niya nang hindi nag-online ang kanyang misis na si Ruby.

Linggo na nang malaman niya ang karumal-dumal na sinapit ng kanyang pamilya nang pinapuntahan niya sa kanyang kapatid ang bahay ng kanyang mag-ina.

Nanawagan si Gamos kay Pangulong Duterte na mapanagot ang mga may-sala. Hiling din ni Gamos na maipatupad na death penalty.




Batikos naman ang inabot ng Commission on Human RIghts (CHR) at Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) mula sa taong bayan dahil sa pananahimik ng mga ito sa ganitong kaso. Basahin ang reaksyon ng mga kababayan natin sa nangyaring masaker.








Suportado niyo ba ang pagpapanumbalik ng death penalty?


Post a Comment

 
Top