0



Napangiti na lamang ang Kapitan ng Brgy Rio Hondo sa Zamboanga City kung saan aksidenteng nahulog ang mismong Mayor ng lungsod at dalawang kongresista nang bumigay ang isang tulay na gawa sa kahoy.

Ayon pa kay Brgy Chairman Rozdy Mukamar, naranasan na rin raw ng mga opisyal na ito ang sinasapit ng mga residente sa lugar dahil sa hindi de kalidad na footbridge.




“Na-experience na nila kung gaano hindi de kalidad yung ginawang footbridge.” sabi ng Brgy. Chairman.


Ayon pa sa naging ulat ng 24 oras, matagal na raw inirereklamo ng mga residente ang nasabing tulay at minsan nga sila na raw nag-aayos kapag may sira.

PANOORIN:





Post a Comment

 
Top