0



Isang 92-anyos na lola na si Adelaida De Leon ang dumalaw kay idol Raffy Tulfo noong April 10, 2018 kasama ang kaniyang anak at apo para makita sa personal si Raffy. Matapos niyang makapag-picture kay idol pabiro niyang sinabi na pwede na daw siyang kunin ng Panginoon. Pero sa hindi inakalang trahedya, sa kaniyang pag-uwi na disgrasya si lola.

Ito ang buong post sa page ni Raffy Tulfo:


“Siya si Lola Adelaida L. De Leon, 92 years old. Lumuwas siya mula pa Pililia, Rizal kasama ang kanyang anak at apo para makita ng personal si Idol Raffy noong April 10, 2018 at makapag-picture na rin.

Isa siyang masugid na taga-subaybay ng mga programa ni Idol Raffy lalo na sa hapon, ang Wanted sa Radyo. Kaya matapos makapag-picture, pabiro niyang sinabi sa kanyang kasamang apo at anak na pwede na raw siyang kunin ni God.

Dinalaw siya ni Idol Raffy sa Philippine Orthopedic Center, Martes, April 24, matapos makita ang post ng kanyang apong si Roda na si Lola ay nadisgrasya pag-uwi nila ng bahay.

Nawalan daw ito ng balance pagtayo ng higaan at natumba. Nabalian siya ng buto sa kanyang binti at na-confine. Kinakailangan siyang maoperahan para makalakad muli.

Nangako ang Philippine Orthopedic Center na ibibigay nila ang lahat ng tulong para sa matagumpay na operasyon ni Lola.

Nangako naman si Idol Raffy na magbibigay ng personal na tulong sa mga kakailanganin pa ni Lola sa kanyang pagpapagamot.”



Post a Comment

 
Top