0



Kahapon ay nag viral ang Part 1 video ng ‘Raffy Tulfo in Action Youtube Channel tungkol sa na-inlove na lalaki sa isang babae sa social media (fb) na nagpakilalang isang flight attendant. Pero, ang lahat nang ito pala ay kathang isip lamang.

Ang lalaki ay napamahal ng lubusan sa mga larawang pinakita sa kanya at humantong pa sa pagpapakasal sa Facebook at naging mag-asawa sila dito ayon sa kwento ng lalaki. Subalit ang lahat nang ito pala ay kalokohan lamang dahil ang babaeng nasa larawan na kanyang minahal ay ginamit lamang ng isang mantadang babae para siya ay linlangin.

Para sa mga hindi pa nakapanood ng unang bahagi ng video. Ito po, panoorin niyo at talagang mabibigla kayo sa kwento at dinanas ng lalaking ito.




Dahil dito, maraming kababayan natin ang nabigla at nagalit sa babaeng nasa larawan na ginamit ng babaeng nanloko sa kawawang construction worker.

Si Nanay na nanloko kay Construction Worker




Pero makalipas lamang ang isang araw, nagsalita na ang babaeng nasa larawan na minahal ng kawawang lalaki. Nagharap sila sa programa ni Raffy Tulfo para ayusin ang kanilang problema. At sa kanilang paghaharap, sinabi ng babaeng ito na ginamit lang nang kanyang ina ang kanyang larawan at wala siyang alam tungkol dito. Pinatotohanan naman ito ng kanyang ina na wala ngang kinalaman ang kanyang anak sa kanyang panloloko.


Ang babaeng minahal ni Construction Worker

Humingi ng sorry ang ina ni babae sa kanyang ginawang panloloko kay construction worker at nangakong ibabalik niya ang perang ibinigay nang lalaki sa kanya.

Panoorin po natin ang part 2 ng video kabayan dahil may matutunan ka tungkol sa nangyari sa kanila. Magsilbing aral sana ito para sa mga taong mahilig magmahal, magbigay sa social media kahit hindi pa nila ito nakikita ng personal.





Anong masasabi niyo patungkol dito?


Post a Comment

 
Top