Ayon kay Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat, inatasan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte para ipatanggal ang mga banners at posters na nagpapasalamat sa Presidente sa paglinis at pagpapa-rehabilitate sa Boracay. Base pa sa kwento ni Puyat, hindi raw nagustuhan ng Pangulo ang mga papuri at naisawa pa umano ang punong ehekutibo.
“I saw a post – someone sent it to me – which says, ‘Thank you PRDD for Saving Boracay’… He said that is corny. He doesn’t like it. He doesn’t want to be glorified,”ani Puyat.
Base sa pahayag ng ilang kababayan natin, hindi na raw bago kay President Duterte ang ginawa nito. Kahit daw kasi sa Davao City, kung saan naging alkalde ito ay hindi niya ipinalalagay ang kanyang litrato sa mga proyekto ng lungsod. Ang ilang netizens naman ay ikinatuwa ang lideratong ipinakita ni Pangulong Duterte sa pagpalilinis ng Boracaay.
Panoorin ang Video:
SOURCE: Phil. star, Youtube
Post a Comment