0




Inalmahan ng Pinay International Broadway Diva na si Lea Salonga ang pananaw ng isang abugado tungkol sa dati niyang leading man na si Aga Muhlach.

Lea Salonga: Be you red, yellow or blue, we need to serve the country first. "We are a country of 100M people, each with an opinion and a unique point of view, hoping for our public servants to start working for us."

Nagsimula ito sa naging pahayag ni Aga tungkol kay Sen. Trillanes sa guest appearance ng aktor sa Gandang Gabi Vice (GGV) noong nakaraang Linggo, October 13.




Sa unedited/unaired clip ng show, tinanong si Aga kung ano ang itatanong niya kay Senator Trillanes, na kritiko ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang sagot ng multi-awarded actor:

"Nakakapagod na. Ano ba gusto mo mangyari? "Parang nag-e-enjoy ka na lang diyan. Tumulong ka na lang. "Nakakapagod na minsan, kahit sinong umupong presidente, sinisiraan. "Ito, ginagawa naman ng Presidente nating nakaupo yung ginagawa niya, marami mang hindi masaya sa kanya pero ang punto ko, yung mga nakapuwesto rin, tumulong na lang kayo sana. "Stop, collaborate, and listen."


Bunsod ng komento ni Aga, ang abugadong si Jesus Falcis ay nag-post ng reaksiyon sa kanyang Facebook account noong October 18. minaliit niya si Aga sa pamamagitan ng pagtawag ditong "isang artista lang" at "bobo."





May panawagan pa ang iba na i-boycott ang pelikula nina Aga at Bea Alonzo na First Love na palabas pa rin sa mga sinehan ngayon.

Isa sa mga nagbigay ng reaksiyon sa pahayag na ito ni Atty. Falcis laban kay Aga ay ang talent manager-comedian na si Ogie Diaz.

Sa kanyang Facebook post nitong Lunes, October 22, sinabi ni Ogie na lahat ay may kalayaang maghayag ng opinyon at dapat lamang itong irespeto ng bawat isa.



Sinang-ayunan naman ito ni Lea.

Sabi ng international singer sa kanyang komento sa post ni Ogie, “Nicely said. Ika nga, 'I may not like what you said, but I will defend to the death your right to say it.'




SOURCE: PEP.PH 

Post a Comment

 
Top