0




Naniniwala si dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino na nalalapit na ang muling pagbangon ng Liberal Party (LP).

Ang LP ay naghari matapos maluklok bilang ika-15 Pangulo ng bansa si Aquino noong 2010 hanggang 2016, kung kailan siya rin ang tumayong  tagapangulo ng partido.

Ayon sa GMA, sa isang pahayag sa ika-72 anibersaryo ng pagkakatatag ng nasabing partidong politikal noong Biyernes, ika-19 ng Enero, sinabi ni Aquino na malapit na ang muling pagbangon ng partido.

“Maski na matagal-tagal na tayong binubugbog, mukhang malapit na ho tayong bumangon at pabugbog muna. Mas maliwanag ‘yung bukas dahil nandito kayong lahat,” anang dating pangulo ng bansa.




Naroon din sa pagdiriwang ng anibersaryo ng LP si Vice President Leni Robredo na nanawagan sa mga kapartido na huwag mawalan ng pag-asa.

Sa kanyang talumpati sinabi ni Robredo na marami umano ang nagtatanong sa kanilang hanay kung mayroon pa bang pag-asa (ang partido) at kung saan ito patutungo. Marami rin umano ang nagsasabi na nababalot na tayo ng kadiliman, ngunit nanawagan siya na hindi dapat mawalan ng pag-asa.

Dagdag pa ni VP Robredo, ang kasaysayan daw ng Liberal Party ay tungkol sa pakikibaka.




Limandaang bagong miyembro mula sa Metro manila, Cebu at Naga ang nanumpa ng katapatan sa Liberal Party.






SOURCEflipino Balita

Post a Comment

 
Top