Isang telecommunications company (telco) mula sa South Korea ang diumano ay interesado ring pumasok sa bansa upang kumpitensiyahin ang PLDT at Globe sa pabilisan ng internet service.
Naunang inanunsiyo ng pamahalaan na ang China Telecom mula bansang Tsina ang magiging ikatlong telco sa bansa upang labanan ang PLDT-Globe duopoly.
Ayon sa ulat ng Philstar, sinabi umano ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na bukod sa China telecom isang South Korean telecom firm ang interesadong maging internet provider sa bansa.
“Nabanggit nga ng DICT (Department of Information and Communications Technology) Acting Secretary Rio na dalawa ang so far interested na maging third player sa telecommunications industry.
Una, iyong China Telecom, plus iyong consortium na hindi pa ho nababanggit at pangalawa pong nasa listahan ay iyong grupong PT&T ay iyong kanilang partner na Korean telecom company,” sabi ni Andanar sa isang panayam.
Ang hindi pinangalanang kumpanya ay nasa “advanced stage” na umano ng pakikipag-usap sa PT&T (Philippine Telegraph and Telephone Corp.) para sa isang partnership deal. Sa ilalim ng batas ng bansa ay hanggang 40% lamang ang maaaring bahagi ng foreign firm sa isang negosyo sa Pilipinas. Ang natitirang 60% ay Pilipino dapat ang may-ari.
What can you say about this one? Leave us your comment in section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. Salamat po.!
SOURCE: Philstar
Post a Comment