Mariing kinondena ng international rights group ang ipinagkaloob na medal of honor ng Indonesian National Police (INP) kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa.
Nitong Pebrero 14, ipinagkalooban si Dela Rosa ng Bintang Bhayangkara Utama o Medal of Honour at pinakamataas na pagkilala ng INP dahil sa naging ambag ng PNP Chief sa Indonesian police.
Ayon sa ulat ng Brigada, sinabi ni Human rights Watch Asia Deputy Director Phelim Kine, na ang pagkakaloob ng pagkilalang ito kay Dela Rosa ay isang pagtapak sa rule of law.
Naniniwala si Kine, ang pagtanggap ng parangal ni Dela Rosa ay insulto para sa mga biktima ng drug war campaign.
Dagdag pa nito, si Dela Rosa mismo ang pumipigil sa pagpapanagot sa mga nasa likod sa pagpatay sa war on drugs dahil ibinabasura nito ang mga kahilingan na hiwalay na imbestigasyon sa mga kaso.
Binatikos din ni Kine si Indonesia National Police chief Gen. Tito Karnavian dahil sa pagpuri sa PNP Chief sa pagiging “rock star- inspiration” sa pagsugpo nito sa iligal na droga.
Nanawagan din ang HRW kay Indonesian President Joko Widodo na makiisa sa panawagan ng United Nations na imbestigahan ang madugong war on drugs sa halip na parangalan ang isa sa mga proponents nito.
SOURCE: Brigada, Sunstar, Filipino Balita
Post a Comment